Ang Diwa Ng Pasko
Sa Pagsilang itong Berbo
Nagdiwang ang mundo
At ang tatlong Haring Mago
Nag-alay sa Niño
Naging diwa nitong Pasko
Ang mag-aginaldo
'Yan ang ugaling kay gandang
Di dapat magbago
May mansanas at peras
Lansones at ubas
Dalanghita at litsiyas
Mayroon ding castanyas
Sari-saring mga prutas
Ating malalasap
Tuwing araw ng Pasko'y
Ganyan sa nayon at bayan
Koro:
Di mabilang ang namamasko
Ninang at Ninong ay nalilito
'Yan ang diwa ng ating Pasko
Magbigayan sana tayo
Kahit hindi Pasko

Back to Maligayang Pasko Home Page