Ang Pasko Ay Sumapit

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig

Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa't isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay

Koro:
Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang Lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsiawit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

Back to Maligayang Pasko Home Page