![]() |
|||||
|
|
ILOG (Santo Angel) Isang araw ang mhga tao sa baryo ay nagkaroon ng pagpupulong at pumili ng isang pinuno na siyang kakatawan sa ano mang pagpupulong at pumili ng isang pinuno na siyang kakatawan sa anumang pagpupulong na gagawin sa pamahalaan. Gumawa sila ng resolusyon upang maipakita ang kanilang mabilis na hangarin na mapahiwalay sa San Francisco. Mayroon silang paniniwala nankaya na nila ang Lungsod. Hindi naman nagtagal at ito naaprubahan. Naitayo ang hangganan ng Sto. Cristo at San Francisco at dito nagsimula ang pagkakahiwalay ng mga ito. Ito ay pinamumunuan ni Adolfo Pulutan at ng mga may sibikong pangunawa ng mga tao. Nang gawin ang resolusyon ay buwan ng Mayo at ang problema ay kung ano ang itatawag sa nayong ito. Isang gabi tumawag sa nayon ang tagapamahala ng pulong. Nagkataong may prisisyon na dumaraan. Huminto sa nagpupulong ang mga tao at nanood ng prusisyon. Narinig nilang inaawit ang: Santa Cruz de Mayo Bandera ni Jesu Cristo Santa Mariang Berhen Maki po ay ipanalangin Isa sa mga kasapi sakapulugan ang nagkaroon ng pagnanais mapakinggan ang inawit ng mga tao sa prusisyon. Nabuo sa kanyang isipan ang isang magandang pangalan na dapat ibigay dito sa baryo. Yamang lahat ng baryo ay pangalan ng Santo ang ginagamit at naisip na ibigay na pangalan ang Sto. Cristo na ngalan ng Hari ng langit. Simula noon ang baryong ito at tinawag na Sto. Cristo na ngalan ng ating Panginoon na nakuha sa awit sa Sta. Cruzan. |
||||