![]() |
|||||
|
|
LUNIC (Sta. Maria Magdalena) Isang araw may dumayong dalawang pulubi sa lugar na ito. Ang magkaibigang pulubi ay bulag ang isa at bulol naman ang isa. Sa paglalakad inakay ni bulol ang bulag sa kakitiran ng daan nayapakan ng bulag ang makahiya sa baybay ng daan at ito ay nasaktan. Bakit matinik ang lupa rito, bukod sa latian pa, ang tanong bulag sa bulol. Ito ang sinagot ng bulol "Di-lu-u-nik," (Hindi lupa ang matinik) na hirap na hirap sa pagsasalita. "Ano ang Lunic?" ang muling itinanong ng bulag, "Diyan po sa Lunik." Magmula noon ang katawagang "Lunik" sa dakong ibaba ng nayon ng Sta. Maria Magdalena ang naging katawagan magpahanggang sa ngayon. |
||||