![]() |
|||||
|
|
BOE (Sta. Maria Magdalena) Sa kalagitnaan ng nayong ito ay halos payagpag ang magiging lakad ng sinumang tutungo sa dulong timog dahil ang pisikal na anyo nito ay isang burol. Panahon ng kastila noon nang may isang lalaking payagpag ang lakad na humuhingal galing sa gawing hilaga ng nayon. May nakasalubong itong isang kastila. Napuna ang paghingal nito, Kaya't ito ay nagtanong: "Saan ka galing at ikaw ay humingal?" May halong takot na sinsagot ang kastila: "Ako ay napatakbo, eh....." "Ah.... sa Boe ka pala galing," ang sabi ng kastila na patuloy sa pagaahon. Mula noon ang bansag na sa Boe sa lugar na ito na ngayon Sta. Maria Magdalena ay lumaganap na. Hangang sa panahong ito, sasakyan man ay may kahirapang umahon sa lugar na tinaguriang "Boe." |
||||