![]() |
|||||
|
|
STA ISABEL Dahil sa pagkasira ng dalawang panig, ang mga naninirahan sa lugar na iyon ay nagkaisang lutasin ang suliranin. Nagpulong ang mga matatanda at napagkasunduan nilang bumukod sa dalawang nag-aaway. Bumuo sila ng isang pansamantalang pamunuan sa pangunguna ni G. Pedro Cornista. Pumapit sila sa dalawang tinyente ng Concepcion at San Diego at sinabi nilang huwag ng pag-agawan ang kanilang barangay sapagkat sila ay makatatayong mag-isa. Madali namang pumayag ang mga iyon. Tuwang-tuwa ang mga taga-Bonut kaya sila ay nagpamisa bilang pasasalamat. Idinaos ang misa sa isang maliit na kubol sa gitna ng nayon. Mistulang isang pistahan ang nangyari. Kinabukasan ng umaga ang mga taong inatasang maglinis ng kubol ay nagulimihanan sapagka't sa altar ng kubol ay may nakita silang isang poong nakalukbong ng damit na asul at pula at sa mga paa nito ay nakatitik ang Sat. Isabel. Isinangguni at ipinakita ng mga pamunuang matatanda ang nasabing poon sa kura paroko at pinatunayan nito na ang imahen o poong iyon ay talagang kay Sta. Isabel nga. Kaya noon din ang pinangalan nilang Sta. Isabel ay nanatili sa purok sa dati'y ay tinatawag na Bunot. |
||||