![]() |
|||||
|
|
BANLAGIN (Sta. Felomina) Wala pang maaring tawaging lansangan kung hindi ang bagnus o makipot na daang patungo sa kani-kanilang tahanan. Ang ilang mag-anak na naninirahan ay walang ikinabubuhay kundi ang paghahalaman. bawat dampa ay nalilibot ng mga bakod ng kawayan. Naggagandahan ang kanilang mga balag na kinakapita ng baging patani. Ang mga kastila ay madalas mamasyal sa mga liblib na lugar, hangang marating nila ang mga pook na ito. Napadaan sila sa isang dampa na ang may bahay ay namimitas ng bungang patani. Lumapit ang isang kastila at nagtanong sa sarili nilang wika kung ano ang tawag sa lugar na ito, habang nakakapit sa haligi ng balag na minamalas ang mayabong na bagin ng patani. Sumagot ang tinanong at sinabing iyon ay balag at bagin, sa pagaakalang ang itinatanong ay ang tungkol sa halaman. Lumisan na ang kastila habang inuusal-usal ang salitang "banlagin" na ang buong pag-aakala ay iyon ang pangalan ng pook na ito. Lumipas ang mga araw, dumarami na ang mga naninirahan dito na sa pagbibili parin ng mga naaning gulay ang kanilang ikinabubuhay. Pumupunta sila sa bayan upang doon ipagbili ang mga ito. Madalas nilang marinig ang salitang "banlagin" ng nagbuhat sa mga Kastila. Nabatid nila na ang pook na ito ay tinaguriang "Banlagin." |
||||