MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

SANDIG (Sta Catalina)

Sinasabing nong unang panahon na may isang mag-anak na nakatira sa bundok ng Mabilog. Ang anak na dalaga ay si Catalina. May mahaba siyang buhok at kulay rosas ang mga pisngi. Tunay na kabighabighani ang kanyang kagandahan.

Isang araw nagunta siya sa bukal na nasa kuweba upang doon maligo. Dahil sa angkin niyang kagandahan ay nabighani ang kanyang ama na sumunod sa kanyang paliligo. Hindi niya akalain na may tangkang masama ang kanyang ama. Kung kaya't ipinagtanggol ang kanayang sarili. Agad niyang kinuha ang espada na nasa kuweba at sa isang kisap-mata'y tinaga sa leeg ang ama. Naputol ang ulo ng ama at nasugatan ang mga mata. Magmula noon hindi na nakita si Catalina sa lugar na iyon at ang nanatiling nakatusok sa kuweba ay ang espada na lamang.

Nang dumating ang mga kastila sa pook na iyon, napag-alaman nila ang tungkol sa pangyayaring iyon kung kaya't bininyagang Sta. Catalina ang lugar na iyon, sapagkat ang buhay niya ay tulad ng nangyari sa buhay ni Sta. Catalina.

Ayon na rin sa mga naunang nanirahan sa nayong ito ang pagkakapatay ni Catalina sa kanayang ama ay siyang nagpatingkad sa kalinisan ng kanyang dangal. Ito ang higit na mahalaga upang siya ay tanghaling isang santa.

Noong panahon ng pananakop ng mag Amerikano binisita nila ang kuweba. Sinikap nilang alisin ang nakatusok na espada subali't naputol ito. Hanggang ngayon ang kalahating batong espada ay nasa lugar na ito.

Dumami na ng dumami ang naninirahan sa Sta. Catalina, subalit dahil sa ito'y ang lugar na naksandal o napapaligiran ng mga bundok at burol at dahil sa ang mga mamamayan ay nakasandig sa kabundukan at dito sila kumukuha ng ikinabubuhay, tinaguriang Sandig ang lugar na ito.

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.