MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

Sta. Ana

Maraming taon na ang nakalilipas bago dumating ang mga Kastila, ang Sat. Ana ay tinatawag na "Tangod." Ang Tangob ay kagubatan pa noong panahong iyon. Iilan ang naninirahan sa lugar na ito. Ang ikinabubuhay ng mga naninirahan doon ay ang pagtatanim ng mga gulay, lumang ugat at mga punong namumunga ng prutas. At dahilang sa mga bagay na ito maraming nagsilipat sa tangob upang manirahan at makiisang magtanim ng kanilang ikinabubuhay.

Lumipas pa nag maraming taon dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Ang Tangob ay isa ng kinikila ng nayon. Marami na silang napapagkunan ng ikabubuhay at natuto na rin silang mag-alaga ng hayop.

Isang araw umagang-umaga pa lamang, may dumating na pulutong na mga sundalong Kastila sa ppok ng Tangob. Ang mga naninirahan ay nangabigla dahil sa di inaasahang pagdating ng mga sundalong Kastila.

Ang isa sa mga sundalo ay dali-daling bumaba sa kabayo at lumapit sa isang matandang babae na nagpakain ng baboy. Sa paglapit sa matandang babae ng sundalong ito ay nagtanong sa wikang Kastila na kung anong lugar iyon. Ngunit hindi malaman ng matatandang babae ang isasagot sapagkat hindi siya nakakaunawa ng wikang dayuhan, kung kaya't sa pagtatanong muli ng sundalo sa pag-aakalang ang pangalan niya ang itinatanong, sinabi niyang "Ana". Tumango-tango na lamang ang sundalo at sinabi sa kanyang mga kasama kung ano ang sagot sa kanya. Mula noon tinawag na Sta. Ana ang pook na iyon.

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.