![]() |
|||||
|
|
MACOPA (Soledad) Noong unang panahon ang Soledad ay nasa pag-aari ng ilang tao, si Kapitanang Sepa. Taglay niya ang kababaang loob pagkamaawain, kabaitan at pagiging masayahin. Isang araw ipinatawag ni Kapitanang Sepa ang kanyang mga kawaksi sa pamumuno ng kanayang katiwala si Andres Ilagan. Nagpakana siya ng isang salo-salo para sa lahat ng naninirahan doon upang magsaya at magkaisa sa tinatamasang kasaganaan sa pook na ito. Sa pagtitipong ito nagpakita ng isang halamang purtas na may bungang hugis kopa at kulay rosas ang mabait na kapitana. Ito raw ang halamang kinagigiliwan niya ng labis. Bilang pakikiisa ang mga maninirahan ay nagpasibol ng maraming halamang punong iyon . Kinasihan naman ng magandang kapalaran sila dahil binukalan ng dalawang sapa ang hangganan ng lupain ng kapitana. Naging kaaya-ayang tamnan ang mga pligid parang at baybay sapa. Nagbigay ng masaganang bunga ang mga halamang itinanim. Nagpaganda ang mga kulay rosas na bunga nito sa nayon at nagdulot ng kasiyahan sa buhay ni Kapitanang Sepa. Maraming mga taong nanirahan sa karatig na pook ang nagdarayuhan sa pamimitas ng prutas na hugis kopa. Kung silay tinatanong kung saan pumupunta, lagi nilang sinasagot ng, "sa macopa." Ang ibig saabihin ay sa pook na may prutas na may hugis kopa. Dahil dito, naging unang pangalan ng Soledad ay Macopa. |
||||