![]() |
|||||
|
|
SAPA (San Antonio 2) Sa kalipunan ng pulo-pulong mag-anak na nabanggit ay may isang pamilyang tumitira sa tabi ng ilog. Isang araw, nagkaroon ng malakas na bagyo. Halos tumagal ng isang linggo ang pagsusungit ng panahon. Nang lumipas ang sama ng panahong iyon, may napansing bumubukal na tubig sa labisbisan ng mag-anak na nasa tabi ng ilog. Tatang! Tatang! tawag ni Magiting. "Tingin po ninyo, tingnan po ninyo. Tinawag ng matandang babae ang kanyang asawa at pinuntahan si Magiting. "Ano at Sumigaw ka?" Ang tanong nila. "Heto po," itinuro ang bumubukal na tubig. Muna noon, napabalita sa kanilang kapit-bahay ang naturang dako ng bukal. Ang pook na iyon ay may tubig na umabot sa lampas-buol kaya tinawag nila itong Sapa. Naging laruan ito ng mga bata. Naging bukam-bibig ng nila ang "Tayo sa Sapa" kapag ibig nilang maglaro. Nang lumaon pati matatanda, kapag tinananong kung saan nakatira ay sinasabing "Sa Sapa." Kaya ang nayong itong tinatawag ngayong Barangay San Antonio 2 ay may tinaguriang Sapa. |
||||