|
|
San Vicente
Malugod na tinatanggap ni Banahaw ang mga Kastila sa kanyang tahanan at sa pamamagitan ang isang interprete at buong talinong nakipag-usap sa mga panauhin na kinabibilangan ng mga sundalo at isang pari. Ang katalinuhan ni Banahaw ay nakatawag pansin sa Dominikong pari na hindi napigilan ang sarili na ihambing ang pinuno ng tribo sa kanyang paboritong santo, si San Vicente Ferrer, isang paring Dominiko na mahusay na mananalumpati. Nang itanong ng mga sundalo sa pari kung anong pangalan ang maaaring ibigay sa ngayon, hindi nag-atubili ang pari na imungkahi ang pangalang San Vicente de Ferrer sa karangalan ng santo at ng pinuno ng tribu. Muna noon ang nayon na tinirahan ng tribu ni Banahaw ay tinawag na San Vicente.
|