MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

ANG BULAHO (Santiago I)

Nang ang Pilipinas ay sakupin ng mga kastila, ang mga bayan at mga nayon ay walang mga pangalan. Ang mga mananakop na Kastila ay naglilibot sa mga bayan at nayon sa paghahanap sa mga tulisan at masasamang loob.

Isang umaga, habang ang mga sundalong kastila ay naglilibot sa mga nayon napadaan sila sa isang ilog kung saan sila ay nakakita ng mga damit sa pamamagitan ng sabon at tubig. sa kanilang paglalaba ang sabon ay bumubula ng husto at nangingibabaw sa tubig. Nang makita ng mga kastila ito, sila ay tumigil at nagtanong doon sa naglalaba kung ano ang pangalan ng lugar na yaon habang nakaturo ang daliri nito sa bula. Dahilan sa itinuturo, sila ay sinagot ng "Bula ho," sa pag-aakalang ang kanilang itinatanong ay ang mga bula sa ibabaw ng kanilang batya. Ang akala na sundalong Kastila ay nasagot na ang kaniyang katanungan kung kaya siya's tumango-tango habang inuulit-ulit ang salitang "Bula ho." Simula noon magpahanggang ngayon ang lugar na iyon ay tinagurian ng "Bulaho."

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.