MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

San Rafael

Daang taong na ang nalilipas. Yaon ay isang kapaki-pakinabang na lupa na matatagpuan sa Barangay San Rafael. Kabalantay ng lupang ito sa dulong hilaga ay Barangay San Crispin At sa Kanluran ay ang ilog ng M

Sang-ayon sa matatanda, madalang pa noon ang niyog. Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ay pagtatanim ng tubo at palay. Sa kanilang layuning madagdagan ang kanilang kita, sa halip na ipang-angkat o ipagbili ang mga tubo sila mismo ang nag-iilo nito upang gawing sangkaka. Itinayo nila ang iluhan sa malapit sa ilog na taniman ng tubo.

Sa kabuuan, ang balangkas na kinatatayuan ng iluhan ng tubo ay tinawag na taraptise.

Simula noon hanggang sa kasalukuyan, nakagawian ng mga tao na tawagin ang pook na iyon na taraptise, bagama't ngayo'y isang niyugan na at hindi na iluhan ng tubo.

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.