MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

LIPTONG O TABAW (San Pedro)

Noong unang panahon ayon sa matatanda ay mayroong isang punong-kahoy na kung tawagin ay bugtong. Bugtong dahilan sa kaiba sa lahat ang punong ito. Kung humahangin lalong namamalas ang kanyang alindog na umaakit sa bawat mapatingin sa kanya. At sa pasalin-salin ng salita ang punong ito ay naging liptong.

Noong panahong iyon ay wala pang daan simula sa San Lucas I patungong Palakpakin kung kaya't ang nagiging hantungan o tagpuan ng mga tao ay ang tubig ng lagnas na siyang kinatatayuan ng puno ng liptong kung kaya't tinawag ang ppok na iyon ng "Liptong". Hindi hindi nagtagal at ang tubig ng lagnas ay nawala at ito ay tinawag na patay na tubig. Ilang araw ang lumipas matapos mawala ang tubig ng lagnas ay may natagpuang bukal ng tubig na siyang nagsilbing labahan ng mga kababaihan dito sa Liptong. Kung lumalakas ang ulan ay nakikita ang tila kristal na tubig na dumadalow at bumubukal sa bangbang na tinawag namang nilang tabaw.

Isang araw habang nagkakasiyahan ang lupon ng mga babaing naglalaba sa tabaw ay biglang may dumating na isang grupo ng mga Kastila. At sila'y nagtanong "Que este lugar es?" Que este lugar es? El aqua es may claro. Sa dahilan na hindi nila alam ang isasagot, sinabi nilang "Tabaw." Tabaw pagkat kaya lamang lumalaki ang tubig ay kung lumalakas ang ulan.

At dahil sa layunin ng mga Kastila ang maghasik Kritiyanismo sa buong kapuluan ay di nagtagal at silay nagtayo ng isang habong at binigyan nila itong San Pedro. Simula noon ay tinawag ng San Pedro ang lugar na ito. At nalimutan na ang "Liptong o Tabaw." nang umalis na ang mga Kastila ay isinaayos ang habong kanilang iniwan at ito'y ipinagawa ng mga taga rito sa pamumuno ni Juan Monsarat hanggang sa mapaganda ang tuklong.

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.