![]() |
|||||
|
|
MAG-AMPON (San Nicolas) Noon ang bayan ng San Pablo ang pangalan pa ay Sampalok. Sa munting pamayanan ito ay may isang nayon na may mahabang daan na katatagpuan sa mumuniting dampa sa tabi ng mayabong punong kahoy ay lanzones. Ang mga mangangalakal na abutin ang dilim sa nayong ito ay nakikitulog na lamang sa alin mang dampang ito. Malugod naman silang tinanggap ng mga may bahay bukod pa sa paghahain ng hapunan at agahan bago sila muling maglakbay. Dahil sa kabutihang loob ng mga tao sa nayong ito, ay naging palagian na silang tuluyan ng mga mangangalakal na inabot ng gabi sa kanilang lugar. Ngunit may isang matandang dayuhan ang napadpad sa lugar na ito. Sa tokot na walang magpatuloy sa kanya ay hindi na siya nag-abala sa makituloy sa bahay. Kaya nahiga na lamang siya sa ilalim ng punong mangga upang magpahinga. Sa laki ng kanyang pagkamahanga, nang imulat niya ang kanyang mga mata at nakahiga siya sa banig na malinis. Nababalutan siya ng kumot na nagbibigay init sa kanyang katawan. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Hindi siya nagkakamali sa kanyang hinala. Nasa loob siya ng isang bahay. Samantalang siya ay natagpuan nilang nakahiga sa ilalim ng mangga ay pinagtulungan siyang dalhin sa bahay ng mga ito. Siguro dahil sa matinding pagod ay hindi niya namalayan ang pangyayaring nagaganap sa kanya. Anong laki ng kanyang pasasalamat at hindi rin nawaglit ang lumang tampipi sa kanyang daladala. Dahil talaga namang wala siyang tiyak na mapupuntahan ay inanyayahan na lamang siya ng mag-anak na sa kanila manirahan. Pumayag ang matanda at nasiyahan naman siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng kanyang tagapag-ampon. Nang siya'y sumakabilang buhay ay iniwan niya ang kanyang lumang tampipi sa mabait na mag-anak. at sa laki ng kanilang pagkamangha, ang laman ng lumang tampipi ay mamahaling alahas na nagkakahalaga ng malaking kayamanan. Kasama ng mga alahas ang isang liham na nagsasaad ng munting kahilingan tawaging ang MAg-Ampon ang nayong iyon. Mula noon ang nayong ito ay tinawag na "Mag-ampon o Macampong" na angkop naman sa mga taong doon naninirahan. Nang dumating ang mga kastila ipinakilala ang relihiyon ng mga Romano Katoliko. Ang nayon ng Mag-Ampon ay binigyan ng Patron na mangangalaga at magtatangkilik sa mga naninirahan. Ang nayong ito ng mga tao na may mabuting kalooban at mapagkupkop sa kapwa ay pinangalanan na San Nicolas de Toelntino, na patron din ng mga mag-aaral. |
||||