![]() |
|||||
|
|
TIKEW (San Marcos) At dahil sa kahirapan ng tubig na kinukuha pa sa isang bukal na daraanan pa sa napakatirik na gulod kung maglaba ang mga tao ay pamipamilyang lumulusong sa bukal. Magkakatulong sila sa paglalabat pati na nang mga ama-ama at sabay na rin ang paliligo ng buong mag-anak. Sa kalayuan ng lugar na ito, bihirang bata ang pinapapasok sa paaralan kaya't iilan ang mga matatanda sa nayon ang nakatapos man lamang ng elementarya. Dahil nga sa kulang sa pinag-aralan kaya't ng sakupin ng kastila ang buong bayan ay may napaligaw na ilan na dito sa wikang Kastila at itinuro ang buong paligid. Sa pag-aakala ng napagtanungan na ang itinatanong ay ang punong kahoy, ay ang isinagot ay "ang mga ito po ay tikiwan". Mula noon tinawag ang lugar na ito na Tikew. Hanggang nagbaba ng kautusan ang Haring Espanya na binigyan ng pangalan ang mga nayon kaya't nabigyan ang nayong ito ng San Marcos. |
||||