![]() |
|||||
|
|
MALINAW (San Lucas) Ang pook na ito ay malawak at mahaba at nahahati sa gitna sa pamamagitan ng isang malaking ilog. Sa ilog na ito sumasalok ang mga tao ng unumin at ginagamit sa kanilang pangangailangan dahil may mga bukal na nilalabasan ng malinis at malinaw na tubig. Lahat din sila'y dito na naliligo. Ang mga kababaihan ay doon na rin naglalaba dahil malakas ang agos ng tubig. Isang araw, panahon na noon ng kastila, ay may mga Kastilang napaparaan doon sa ilog. Kasalukuyan may mga nagtanong ng pangalan ng pook na yaon. "Camo se llama es este lugar? Nagpaulit-ulit ang mga tanong ngunit hindi sila magkaunawaan, hanggang sa akalang tubig ang itinatanong ay sinabi nang," Tubig, malinaw, malinaw." "A, malinaw, nalinaw, si gracias," ang sabi ng kastila sa kanilang pag-alis. Lumipas ang mga taon at napag-alamang ang pangalan palang ibinigay ng mga Kastilang nanunungkulan noong mga panahong yaon ay Malinaw sa pook na iyon. |
||||