MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

SALUYAN (San Lorenzo)

Ito ay isa sa mga pinakamagandang pook sa loob ng San Pablo na biniyayaan ng Maykapal ng maaayang tanawin tulad ng mga lawang Yambo at Kakawa na kung pagmasdan ay wariy isang malaking kawa na puno ng tubig. Ngunit ang kamangha-mangha sa tao ay kung bakit tinawag na saluyan ang pook na iyon.

Sinasabing bago pa dumating ang mga Kastila dito sa Pilipinas, marami nang mga Mangyan at Indones ang pumarito sa pook na ito para manirahan. Sa isang dako nito isang pag-asawahan ang nagbahay sa may malinaw at malamig na bukal na malayang dumadaloy na pabilog sa pook na iyon. Sila ay masisipag, matahimik at mapagmahal na mag-asawa.

Marami ang dumadaan sa pook na iyon upang magpahinga na kaagad-agad namang dinudulutan ng inuming malamig na tubig ng mag-asawa. Isang araw may naparaang dayuhan na uhaw na uhaw na kung kayat humingi ito ng tubig ngunit sa kanilang salita. Hindi siya maunawaan ng mag-asawa ngunit sa nakitang anyo niya na hirap na hirap, ay dinulutan siya kaagad-agad ng malamig na tubig. Sa laki ng kanyang pasasalamat sa kagandahang ugali ng mag-asawa muli siyang nagtanong upang alamin ang pook na iyon.

Sa pag-aakala ng mag-asawa na kung saan sila kumukuha ng tubig sinagot siya ng saluyan.

Matapat na nagpasalamat ang dayuhan habang inuusal-usal ang katagang saluysoy na akala niya'y siyang ngalan ng lugar. Sa mga taong nasalubong niya ay ikinukuwento niya ang kabaitan ng mag-asawang taga saluysoy na siyang tinaguri.

Sa hinaba-haba ng panahon ang pangalang saluysoy ay naging saluyan na hanggang ngayon ay siyang katawagan sa pook na iyon.

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.