![]() |
|||||
|
|
SAN JUAN PUTOL Minsan isang lalaking ang payapang naglalakad. Nakasalubong niya ang isang matandang lalaki at ito'y nagwika, "Amang, maaari bang ituro mo sa akin ang isang daang putol patungo sa nayon kung saan dito ay pinipintakasi ang Patrong San Juan Bautista?" Buong kababaang loob na itinuro ng lalaki ang daang binanggit ng matanda. Ayon sa kasaysayan at siyang nasusulat sa Banal na aklat si San Juan Bautista ay mabuting alagad at siyang nagbinyag kay Hesukrito nang ito'y manaog at magkatawang tao dito sa lupa. Nang hilingin ng isang babae kay Haring Herodes ang pugot o putol na ulo ni San Juan Bautista, hindi ito nakatanggi. Ang banal na pangyayaring ito ay naging daan upang tawagin ang pook na ito na San Juan Putol bilang pag-alaala sa mga naganap kay San Juan Bautista nang panahon ni Haring Herodes. Isinaalang-alang din na ang hangganan ng nayon sa gawing silangan ay Sta. Maria Magdalena at sa dakong kanluran ang hangganan ay Sta. Filomena. |
||||