![]() |
|||||
|
|
MALAMIG (San Jose) Ang Lungsod ng San Pablo ay isa sa mga mayamang pook na may kuwento. Ang isa na dito na kakaunti lamang ang nakaka-alam ay ang isang pook dito sa ngayon ng San Rafael na kung tawagin ay San Rafael na kung tawagin ay Malamig. Noong unang panahon, dahil sa hindi pa natutuklasan ang mga gamot o bakuna tungkol sa cholera at iba pang sakit na nakakahawa, kaya nman ang mga epedemya ay madaling kumalat sa mga tao ng isang pook. Marami ang namatay noong sa sakit na cholera. Laganap ito saan mang pook kaya marami ang namamatay. Hindi lamang isa, o dalawa ang nalalagas sa isang pamilya, masasabi pa na kung minsan ang buong pamilya ang namamatay. Dito sa isang pook sa San Rafael na malapit sa Sta. Monica ay may kabahayan noon. Dinapuan ang mga tao ng sakit na lumalaganap. Hindi na madala-dala ng mga tao sa simbahan o sa libingan ang mga nasawi, dahil sa oras na mahawakan ang mga bangkay ng matagaltagal ay mahahawakan na rin, kaya napakahirap ang magdala ng patay sa libingan. Naisipan ng mga tao ang humukay na lamang ng isang malalim at malawak na balon upang ang kanilang mahal na kanayon at kaanak ay malibing maayos. Sa kalaunan na hinto na rin ang pagbubuwis ng buhay ng mga tao sa nakakahawang sakit, kaya ang balaon ay tuluyan nang tinabunan. Dahil sa mahal ng mga kanayon ang kanilang patay kaya nilagyan ngmga tanim na San Fransisco ang pook na iyon. Iyon ay ang tanda nasa pook na iyon nakalinbing ang mahal sa buhay. Sa pook na iyon ay sinasabi ng kanilang mga kanayon na kung sila ay napapadaan doon, nakakaramdam sila ng malamig na bagayna sumasanib sa kanilang katawan. Malamig, napakalamig, ayon sa mga taong napapadaan doon. Marami ang nakakatakot kaya pinakakaiwasan ng mga tao ang mapadaan doon. Sa kalaunan, hindi na rin natakot ang mga tao kaya lang ang nasabing pook ay pinangalanang Malamig ng mga tao doon. |
||||