MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

ATISAN (San Isidro)

Noong unang panahon ang lugar na ito ay napakagubat at bihira lamang ang naninirahan at nakakarating sa nasabing pook. Naglalakihan ang mga punong kahoy at marami pa ang mababangis na hayop. Sa nasabing pook ay lima lamang pamilya ang naninirahan. Ang ikinabubuhay nila ay ang pagtatanim ng ibat-ibang halaman at mga prutas. Sa isang malawak na kalangitan nagtanim sila ng atis. Naging masagana ang ani at bihira ang tamis at laki nito.

Kung araw ng Linggo ang kanilang libangan ay ang paglalaro ng bola. Naging pinakamahusay sila hanggang sa matanyag at naging bukang bibig ng mga tao. Ang kopunan nila ay tinawag na Atisan sa dahilang kilala ang lugar nila sa lalaki at tatamis ng Atis.

Lumipas ang maraming araw, dumami ang nandarayuhan at lumipat sa nasabing lugar. Ang iba ay nagbyuhat sa malalayong lalawigan at bayan. Palibhasa'y mataba ang lupa ay malaki ang naging ani ng bawat magsasaka. Umumlad ang kabuhayan ng mga tao at naging masagana at masaya ang mga tao sa nasabing pook.

Ang lugar na nasabi ay sakop ng nayon ng San Isidro at ng Santisimo Rosario. Sa dahilang marami na ang naninirahan dito at masagana naman ang kabuhayan, naisip ng mga namumuno na mag-sarili na sila. Sa pagsiskap na rin ng mga tao at mga namumuno rito nilakad nila sa Punong Lungsod noong taong 1972 na maihiwalay ang nasabing pook sa nayong nasakop sa kanila. Ang ipinangalan sa Sitio ay Atisan, bilang alaala sa mga kaununahang naninirahan dito. Sa kasalukuyan ang barangay na ito ay kilala sa pangalang "Atisan".

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.