![]() |
|||||
|
|
SAN IGNACIO Gayon pa man ay patuloy pa rin ang kasipagan ng mag-asawa. Si Magn Nilo ay magsasaka at si Aling Ita naman ay nagsisinop ng tahanan. Pagkatapos ng gawaing bahay siya ay sumusunod sa taniman upang tulungan si Mang Nilo. Laging ganito ng ganito ang kanilang pamumuhay. Isang araw ay laking pagkamangha ng mag-asawa ng sa pag-uwi nila ay may nadatnan silang isang matandang nakahiga sa kanilang balkon. Ang matanda ay mahinang-mahina at mukhang maysakit. Nilapitan ni Mang Nilo ang matanda at ginising. Tinanong niya ito at napag-alaman na ang matanda ay si Mang Ignacio, nag-iisa sa buhay at walang tahanang mauwian. Kung kaya't kinupkop ng mag-asawa ang matanda at inalagaan. Siya ay ginamot at itinuring na parang tunay na ama hanggang sa siya ay gumaling ng lubusan at manumbalik ang lakas at sigla ng pangangatawan. Ng malaunan ay tumutulong na si Mang Ignacio sa mga gawain sa bukid at sa bahay. Naging mabilis ang pag-unlad ng buhay ng mag-asawa mula ng si Mang Ignacio ay kupkupin nila at nasabi nila na hulog ng langit sa kanilang buhay ang matanda. Isang araw ay namaalam si Mang Igancio sa mag-asawa at sinabing napapanahon na upang siya ay umalis ngunit sa kanyang pag-alis ay may darating namang kapalit sapagkat hinulaan niya na magkaka-anak na si Aling Ita at Mang Nilo. Nalungkot ang mag-asawa sa pag-alis ni Mang Ignacio ngunit wala silang nagawa upang ito ay pigilin. Pagkaraan ng siyam na buwan ay isinilang ni Aling Ita ang isang malusog na sanggol na lalaki at ito ay pinangalanan nila ng Ignacio. Ang bata ay lumaking mabait. Mahal na mahal siya ng lahat. Siya ay naging huwaran sa kanilang lugar at maging ng mga taong naninirahan sa kanugnog sa kanilang lugar. Siya ay nagaral ng kabutihan sa lahat ng kanayang makausap. Isang araw isang malubhang karamdaman ang dumapo sa kanya. Kagyat siyang ipinagamot ngunit lahat ng pagsisikap na siya'y mapagaling ay nawalan ng kabuluhan. Marami ang sumaksi sa kanyang paghihingalo. Marami ang nalungkot at umiyak ng buong kapitan ng sumapit ang kanyang kamatayan. At mula noon ang lugar na iyon na dati ay walang pangalan ay tinawag nilang San Ignacio bilang pag-alaala. |
||||