MSCNet | San Pablo City | Barangay Officials | History Index | Credits

TIIM (San Diego)

Noong unang panahon ang nayon ng San Diego ay wala pang taong naninirahan. Walang halamang nabubuhay dito dahil ito ay nahahantulad sa isang malawak na ilog, walang makikitang lupa kundi pulos tubig. Hindi tubig dagat, kundi tubig tabang.

Isang araw dahil sa sama ng panahon ay may isang mamamangka ang napadpad sa pook na ito. Wala siyang mahingan ng saklolo at sa kanyang kagipitan ay taimtim siyang nanalangin kay Bathala. Dumalangin ang mamamangka na hari nawa ay humupa ang tubig at ito ay makati lalo na sa kinatatayuan niya. Dala ng kanyang mataimtim na panalangin at malaking pagtitiwala, dininig agad ang kanyang pananalangin at sa isang kisap mata ay napisan sa dakong silangan niya ang tubig na ngayon ay tinatawag na ilog. Sa labis na kagalakan ng namamangka ay dito na siya nanirahan at tinawag niya ang lugar na ito na Tiim na ang ibig sabihin ay tiningan ng tubig.

Sa pagdaan ng panahon marami pang mamamayan ang naakit na dito na manirahan, dahil mayaman ang lupa na maari nilang pagtaniman ng kanilang halaman. Naging bukang bibig nila ang salitang Tiim bilang pangalan ng pook na ito.

Pagkalipas ng maraming taon dumating ang mga Kastilang pare at sinakop nila ang Tiim. At dahil hindi nila talos ang ibig sabihin ng salitang Tiim ay pinalitan nila at binigyan ng santong Patron na ang pangalan ay San Diego. Kaya buhat noon ay nalimutan na ang tawag na Tiim at San Diego ang nakabihasna ng itawag sa pook na ito.

Copyright © 1997 - 1998, All Rights Reserved. MSC Communications Technologies, Inc.