![]() |
|||||
|
|
BALANGA (San Antonio) Magkahawak kamay, naglalakad patungo sa isang magandang pook na kanilang tagpuan. Naupo sila sa isang malaking bato. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumakad ang magandang dilag tungo sa bukal at hinipo ang kumikinang na tubig. Sumunod ang kanyang talisuyo subalit biglang lumindol. Ang mga malalaking bato na malapit sa bukal ay nagbago ng anyo. Ang iba ay parang naging banga at ang iba naman ay nagkaroon ng ibang anyo. Ang magkasuyo, sa takot at pagkabigla ay nakapagsabing "Ito'y himala Ba-bala-Balanga-Banga. Parang mga banga." Sa mabilis nilang pagsasalita ang salitang banga ay naging balanga. Ang maliit na bukal ay naging sapa na ng magtagal ay naging ilog. May nakita sa nangyari at ito ang nagbalita sa iba. Maraming tao ang nagsimulang tumira sa pook na ito. Nagtayo sila ng bahay sa malapit sa ilog at nagtanim ng mga punong niyog sa paligid. Hanggang ngayon sa pagitan ngmga punong niyog kung saan kumukuha ng ikinabubuhay ang mga naninirahan ay lumalgos ang ilog balanga, kung saan nagbuhat ang pangalan ng nayon. Ang nayon na Balanga ay tinawag din nayon ng San Antonio I alinsunod sa pangalan ng patron. |
||||