![]() |
|||||
|
|
DOLORES Palibhasa'y mahilig sa kabanalan, nang sila'y lumaki ng magdalaga sila ay nangaral sa mga nayon - nayon. Ang isa ay napunta sa Dolores, Quezon. Ang isa ay sa Antipolo, Rizal at ang pangatlo ay sa nayon na kung tawagin ngayon ay Dolores sa Lungsod ng San Pablo. Bagamat Dolor ang pangalan ng magagandang dalagang ito, ang pagpapakilala niya sa mga tao ay Dolores sapagkat isinasama niya ang kanayng dalawang kapatid na kakambal. Siya'y totoong napamahal sa mga tao at nang siya'y lumisan sa nayon upang tumungo sa ibang bayan, ang barangay ay tinawag ng mga tao na Dolores bilang tanda ng kanilang pagmamahal kay Dolor. Hanggang ngayon ay Dolores pa ang pangalan ng barangay na ito sa Lungsod ng San Pablo. |
||||