![]() |
|||||
|
|
PUTOL NG WAWA (Del Remedio) Subalit sa nayon ng Del Remedio ay may isang sitio na nagkaroon ng taguri batay sa isang topoggrapiya. Ayon sa ating ninuno noong unang panahon. sa gitnang silangan ng Del Remedio, may kulang - kulang sa isang kilometro ang layo sa ngayo'y dang pambansa, ilang may-ari ng malawak na taniman ng niyog ang nagtayo ng kani-kanilang sariling langisan. Sa pook na nasabi sila nanirahan gayon din ang mga magkakawit, Mag-iipon, Magtatapas, maghahakot, magkakayod at iba pa na nagbuhat sa mga karatig nayon. Sa gayon, ang dati'y ilang pamilya lamang ay dumami ng dumami hanggang sa maging isang sitio. Ang mga pamilyang ito ay nagsipagtayo ng bahay sa magkabilang panig ng kalyehon o lagusang pampook na nag-uugnay sa Del Remedio at mga karatig nayon gaya ng San Lucas, Dolores at iba pa. Ang daang ito ay lagusang daanan ng mga kariton at tao palabas sa "Kalye Real" o pambansang lansangan at pabalik sa kani-kanilang bahay sa gitna ng bukid. Subali't sa paglipas ng panahon ang kalyehong ito na nagsimula sa "Kalye Real" papasok sa malawak na niyugan ay nilagom ng mga bagong nagmay-ari ng mga lupang kabalantay nito. Naputol ang daang ito. Sa gayon ang natira lamang na bahagi ay ang kalyehong mahigit na animnapung metro na nasa pagitan ng mga bahayan ng nasabing sitio. Ang putol na daang ito ay siya natitirang buhay na bahagi ng dati-rati'y mahabang kalyehon na matagal ding panahong naging daanan ng mga tao at mga karitong panghakot ng niyog. Ang naputol na kalyehong ito, na hanggang ngayon ay nakikita pa, ang pinagmulan ng pangalang, "Putol ng Wawa o nayon ng Del Remedio." |
||||