![]() |
|||||
|
|
Bagong Bayan Isang araw napansin lamang ng mga taga San Pablo ang pagtatayo ng mga Amerikano ng isang pagawaan, ang "Philippine Foods" sa may daang bakal na ngayon ay C. Colago Avenue. Ang produkto dito ay "Dessiccated coconu" o tinuyong niyadyad na laman ng niyog. Naging mahirap para sa pamunuan ng pagawaan ang pangangalap ng maggagawa sa San Pablo. Noong panahong iyon sagana ang bunag ng niyog at sagana ang buhay ng mga tao, kaya ang mga magulang ay ayaw papakusin sa ganitong trabaho ang kanilang mga anak, nakaingos sila sa inaakalang mababang uri ng hanapbuhay. May mga taga Pampanga na kasama ng mga Amerikano kaya sila ay nangalap ng mga manggagawang ito ay naninirahan sa may daang bakal na malapit sa kanilang pinapasukan, na noon ay hindi sila kasalimuha ng mga taga San Pablo. Nang sumunod na mga taon ay hindi natugunan ng kompanya ang exportasyon ng "Dessiccated Coconut" sa ibang bansa. Kinailangan ang pagpapalaki ng pagawaan na tinawag na Franklin Baker Company, Inc. Muling nangalap ng mga manggagawa, higit na marami. Sa pagkakataong ito hindi lamang manggagawa ang dumating sa San Pablo, kasama na ang kanikanilang pamilya. Katulad ng nauna nilang kababayan sila rin ay sumamang nanirahan sa luigar na iyon ng ngayon ay Bagong Bayan, malayo pa sa pusod ng bayan at malapit sa pook na pinapasukan. Kagaya ng naunang mga kababayan sila rin ay hindi kasalimuha ng mga sinasabi at kanilang pamilya San Pablo. Dumami ang naninirahan hanggang sa tinawag itong Bagum-Bayan. Ang Bagong Bayan bago magkadigma ay natanyag bilang pamayanang kapampangan sa mga naninirahan dito sa Pampanga ang ugat. Ang 10% ay tagalog mula sa San Pablo sa mga nayon na nakabili sa mga subdivision. Nang panahon ng Martial Law ay itinatag ang Barangay I-C o Bagong Bayan na binubuo ng Doņa Maria Village, Doņa Crispina Park Subdivision, Azores Court Subdivision, Villa Gesmundo, Wallside at Daang Bakal. |
||||