San Pablo Central School

June




Events



Red Cross Youth Seminar,inilunsad


          Bilang paghahand sa mga kabataan upang maging kabahagi sa pagtulong sa mga nangangailangan ng dugo at pagtulong sa mga biktima ng kalamidad , naglunsad ng isang pagsasanay ang PNRC na idinaos sa mababang paaralan ng Bagong Pook , Hunyo 29-30. Sa isinagawang paghahalal ng pamunuan , nahalal na pangulo si Valen Punzalan , McClarry Herrera at Margot Agatha Mabanta bilang PRO, pawang magaaral ng paaralang Central.


July
Buwan ng Nutrisyon,Pinahalagahan


           Taun-taon ay ipinagdiriwang ng buong bansa ang Buwan ng Nutrisyon upang maging tagapagpaalaala sa kahalagahan ng wastong nutrisyon sa buhay ng bawat Pilipino partikular na ng mga kabataan.
           Hindi naiiba rito nang paaralang Sentral kung saan Agosto 1 nang ito'y inilunsad. At bilang pagwawakas sa isang buwang paggugunita , hulyo 3 nang isagawa ang isang maikling palatuntunan sa gymnasium.
           Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Dr. Anita E. Quiatchon , punungguro ng paaralan na siyang nagbibigay ng pambungad na pananalita.
           Ang pinakatampok ay ang paggagawad ng mga gantimpala sa iba't ibang kompetisyon na may kinalaman sa pagdiriwang.
           Ang lahat ay pinangangasiwaan ng mga guro ng Edukasyong Pantahanan sa pamumuno ni Gng. Marietta P. Bondalian.


Earthquake Drill , isinakilos


           Ang lindol ay isa sa mganangungunang natural na kalamidad na pumipinsala hindi lamang sa kapaligiran at pamumuhay ng mga tao kund di kumikitil din ito ng maraming buhay.
           Sa pananaw na ito nagmula ang kapasiyahan ng lokal na pamahalaan at Sangay ng mga Pampaaralang Panlunsod na magsagawang isang pagsasanay ng mga magaaral sa sandali ng lindol noong Hulyo.
           Sa Paaralang Sentral , naatasang manguna si G. Salde Antones , guro sa edukasyong panggawain sa pagsasagawa ng pagsasanay sa tulong ni G. Victor Rivera.

August
KAB Scouts , tsampyon


   Pag may tiyaga may nilaga
           Pinatunayan ng pangkat mga batang lalaking iskawt ang kasabihang ito nang sa muling pagkakataon ay tanghalin ang mga ito bilang tsampyon sa mga nilahukang kumpetisyon kamakailan lamang.
           Ang mahigit 100 KAB scout na kinabibilangan ng mga batang lalaki mula ikalawa at ikatlong baitang ng paaralang sakop ng purok Lakeside ay nagwagi ng unang puwesto sa timpalak ng KAB palabas na idinaos na 2007 Councilwide Kawan Holiday na ginanap sa Paaralang Sentral , Agosto 25.
           Ito ang nagbigay ng pagkakataong maging kinatawan ang naturang pangkat para sa Regional Kawan Holiday and KAB olympics , sa lungsod.

October
Anim na mag-aaral , nagwagi


           Ang pagdaraos ng mga kumpetisyon sa mga paaralan ay karaniwan nang nagaganap upang masukat ang talino at kakyahan ng mga mag-aaral.
           Sa nakaraang pandistritong kumpetisyong Read-A-Thon na ginanap sa Mababang Paaralan ng San Lucas 2 , Oktubre 16 ay muling bumandilaang paaralang Sentral nang manguna ang anim na magaaral ng ikatlong baitang pangkat Fast Learner.
           Ang mga nagkamit ng medalyong ginto ay sina Dean Ryan Sotoya , best in vocabulary;Christine Joy B. Gonzales , best in oral reading;Christelle Anne B. Cortez (Team Leader), Justine Kate C. De Villa , at Carl Jowel G. Bejosano , best team readers;at Carina Faye L. Conducto , medalyang Bronse sa story retelling.Naging tagapagsanay , Gng. Violeta B. Exconde.
           Ang mga nabanggit na mag-aaral ang magiging kinatawan ng distrito ng Lakeside sa Division. Read-A-Thon na Idaraos sa mababang Paaralan Ng San Miguel , Nobyembre 6.
           Ang mga magsisipagwagi ng unang puwesto ang siya namang kakatawan sa sangay ng Lungsod ng San Pablo sa idaraos na Regional Read-A-Thon na gaganapin sa Paaralang Sentral , Nobyembre 9.






BACK