BATANGAS News

Mandanas: Gunitain ang ika-100 kaarawan ni Sanoy

BATANGAS CITY- Kaalinsabay sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa Ika-12 ng Hunyo, 1998, nanawagan si Gob. Hermilando I. Mandanas para sa sama-samang paggunita ng lahat ng kawaning panlalawigan at panglunsod na pamahalaan, kasama na rin ng lahat ng mga Batngueño, sa ika-100 taong kaarwan ng dating Gobernador Feliciano "sanoy" Leviste.

Ang panawagang ito ng Gobernador ay napapaloob sa kanyang Proclamation No. 98-2 na may pamagat na "Enjoining the celebration of the centennial Birthday of Governor Feliciano "Sanoy" Leviste bilang pagkilala sa naging kontribusyon nito sa mamamayang Batangueno pagkatapos ng digmaan.

Dahil sa mahusay niyang pamamahala, dinala ni Sanoy Leviste sa loob ng dalawampu’t apat (24) na taong kanyang inilagi bilang gobernador ng Batangas ang maraming pagbabago at kagalingan sa probinsiya.

BACK TO TOP


The Wednesday Herald Online is the official website of the Herald Group of Publications. Published weekly and sponsored by the MSC Computer Training Center and MSC Communications Technologies, Inc., it covers the Southern Tagalog Area particularly the provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon (CALABARZON), and Metro Manila, PHILIPPINES.
For more information regarding this site, you may contact us through our E-mail (heraldgrp@msc.net.ph).