
KAMI AY NAGPAPASALAMAT.-
Iniharap sa publiko ni Gob. Joey
Lina ang kanyang buong pamilya
pagkatapos ng Misa ng
pasasalamat na ginanap sa new
San Luis Recreational,
Educational, Cultural, and
Sports Village noong gabi ng
Mayo 16.
National
Laguna
Quezon
First Southern Tagalog Printhouse
* Letterpress
* Offset
* Color Separations
Malakas St., Phase
II Farconville Subd.
Brgy. San Gregorio, San Pablo City
Laguna, Philippines
Fax/Tel. Nos. :
(049) 5627-517; (049) 5624-824

* Books
* School and Office Supplies
17 Rizal Ave. St.,
San Pablo City
(In front of Jollibee)
Tel. No.
(049) 5627-939
(049) 5627-940
MSC Communications Technologies, Inc.
* Internet Dial up Access
* Internet Corporate Access
* Internet Network Access
* Web Site Publishing
* Advanced Desktop Publishing
Artemio B. Fule St.
San Pablo City
Laguna, Philippines
Tel. (049)562-7919
|
Mayor
Vic Amante pa rin
(ALDRIN L. CACAYAN)
BAGAMA’T
naging mainit ang labanan at pag-iiringan sa laban ng pagiging mayor ng
Lunsod ng San Pablo, minsan pa’y muling pinatunayan ni Mayor Vicente Amante
na nasa kanya pa rin ang paniniwala at pagtitiwala ng taumbayan.
Marami ang nagsasabing hindi matitinag sa kanyang puwesto si Mayor
Vic Amante dahil sa ipinakita nitong performance sa loob ng dalawang termino
nitong panunungkulan. At sa likod ng mga isyung ibinato sa kanya, nitong
nakaraang halalan hindi pa rin ito inalintana ng mga taong may paniniwala
sa kanyang kakayahan bilang Ama ng Lunsod.
Malaki ang diperensiya o kalamangan ng mga botong nakuha ni Amante,
kumpara sa mga botong nakuha ni Dr. Alfredo Cosico, subali’t may ilan ding
mga barangay na namayani itong huli. Ngunit kahit nagkaganito man ang pangyayari
ay nanatili pa rin ang katatagan ng mga naniniwala sa liderato ni Amante.
Sa pagkakahirang na muli kay Amante, inaasahang ipagpapatuloy niya
ang lahat ng mga proyektong kanyang nasimulan. At ang mga ipinangako niya
sa taumbayan para sa mas higit na kaunlaran ng lunsod ay kanyang bibigyang
pansin.
Habang tumatagal sa kanyang panunungkulan si Amante, marami ang
lubusang nakakikilala sa kanya, at hangga’t hindi siya natitinag sa puwesto,
marami pang pamamaraan ang kanyang gagawin upang maibsan ang anumang paghihirap
na nararanasan ng kanyang mga kababayan.
Ang mga isyung tungkol sa tubig, palengke at political dynasty ay
naging tampulan ng usapan sa panahon ng kampanyahan, at ngayong muling
napaupo sa puwesto si Amante, inaaasahang magkakaroon ng kaliwanagan at
kasagutan ang mga usaping ito.
Back to top
Danton
Bueser tuloy na sa kongreso
PAGKATAPOS ang masalimuot na pagbibilangan ng mga balota, ngayon
ay labas na talaga
kung ano ang resulta, sa hanay ng mga tumakbong mga kongresistang sina
Rad Manicad, Dolly Potenciano, Cesar Dizon, Najie Gapangada, at Danton
Bueser.
Ang mga supporters ng naturang mga kandidato ay lubhang naging abala
sa kanilang pangangampanya na hindi na nila namamalayan ang ginagawang
hakbang ng kanilang mga kalabang kandidato.
Si Vice Mayor Danton Bueser ang siyang nahalal bilang bagong kinatawan
ng ikatlong distrito ng Laguna at papalit sa puwesto ni Congressman Florante
“Boy” Aquino, na hindi naman pinalad na magwagi sa kanyang katunggaling
si Gob. Jose D. Lina Jr., sa pagka-gobernador ng Laguna.
Sa naging resulta ng halalang, ginanap noong ika-11 ng Mayo, nabatid
ni Bueser kung gaano ang suporta sa kanyang ibinigay ng mga mamamayan sa
ikatlong distrito.
Ayon sa mga taong nakapaligid sa kanya, ang pangyayaring ito ay
isang pagpapatunay lamang na ang eleksiyon ay hindi nadadaan sa kinang
ng salapi. Ito ay nasa sinseridad at sa pagiging totoo ng isang kandidato.
(TWH)
Back to top
Vilma
Santos, mayor na
HINDI akalain
ng lahat na pati ang pulitika ay pasukin na rin ng itinuturing na Star
For All seasons na si Vilma Santos-Recto. Bagama’t ang kanyang asawang
si Congressman Ralph Recto ay nanggaling sa angkan ng mga pulitiko ay hindi
man lamang nabigyan ng pagkakataon na sumagi sa isipan ninuman na siya
ay mahahalal na isang mayor balang araw.
Noong nakaraang Biyernes ng gabi, Mayo 15 ay ipinroklama sa Lunsod
ng Lipa si Ate Vi bilang pinakabagong mayor kapalit ng dating mayor nitong
si Mayor Ruben Umali.
Ang naturang non-formal proclamation ni Ate Vi ay isinagawa ng Comelec
ganap na alas-9:00 ng gabi sa pamahalaang bayan ng Lipa, sa harapan ng
dumagsang napakaraming bilang ng taumbayan. At ang sinasabing landslide
niyang boto ay umabot ng 53, 269.
Labis ang katuwaang nadama ng aktres sa kanyang naging kapalaran
sa nakaraang eleksiyon, dahil maging ang kanyang bise-alkalde na si Boy
Manguera ay nanalo din kasama ang apat sa kanilang mga konsehales na pawang
mga kabataan pa.
Ang napakaraming taong naging saksi sa pangyayari nang gabing iyon
ay sapat nang katibayan kung gaano kamahal ng tao si Vilma, bagama’t may
ilang kumukuwestiyon sa pagiging isang lehitimo niyang residente ng Lipa.
Pinatunayan lamang nila na hindi lamang sa pagiging isang artista
maaaring makakuha ng simpatiya at boto ng tao, kundi sa pagiging isang
totoong tao at mabuting halimbawa sa iba.
Ayon nga sa mga naroroon upang saksihan ang mga pangyayari, hindi
na nila inalintana ang gutom, basta’t ang mahalaga ay makita nila ang kagalakan
ng kanilang bagong mayora, at maipakita rito ang taos-puso nilang kaisyahan
at pagsuporta.
Bandang alas-2:00 pa lamang ng hapon ay marami nang naroroon upang
abangan ang pagdating ng kanilang bituing mayor, subalit nang magpakita
ito ay 9:00 na ng gabi, kasama ang kanyang very supportive na asawa na
si Congressman Ralph Recto.
At sa pagdating ni Ate Vi, hindi magkamayaw ang mga taong naroroon
upang makakamay at masilayan ang kanilang pinakamamahal at iniidolong mayor.
May nakapagwika pa ngang parang isang malaking “meeting de abanse” ang
pangyayari nang gabing iyon.
Lubos ang pasasalamat na ipinaaabot ni Vilma Santos-Recto sampu
ng kanyang pamilya lalong-lao na ang kanyang amang naroroon nang gabing
iyon, sa kanyang mga tagasuporta at kanyang mga tagahanga.
At bilang mensahe sa kanyang mga kababayang Taga-Lipa winika niya
bago magtapos ang naturang proklamasyon, na ang uri ng pamahalaang kanyang
itatayo ay isang uri ng pamamahalang, “Hindi kami-kami kundi Tayo-Tayo!”
Back to top
Pahalagahan ang
edukasyon-Ed Dizon
SA muling pagkakahalal ni Konsehal Eduardo O. Dizon sa Sangguninang
Panlunsod, inaaasahan
na ipagpapatuloy niya ang lahat ng kanyang nasimulan nang siya ay nanunungkulan
pa.
Bilang isang guro, ang pagbibigay halaga sa edukasyon para sa kabataan
ay kanyang lalong pag-iibayuhin.
Sa loob ng panahon ng kanyang panunungkulan, maraming batas ang
kanyang naisulong upang mabigyan ng karampatang pribilehiyo ang mga mamamayang
naglagay sa kanya sa puwesto.
Ang kaunlaran at pagsulong ng Lunsod ng San Pablo ay laging nasa
isipan ni Dizon. At ayon pa sa kanya, ang anumang bagay na maaari niyang
isakripisyo at ibigay sa kanyang mga kababayan ay kanyang gagawin upang
masiguro lamang na magiging karapat-dapat siya sa ikalawang puwestong ibinigay
sa kanya sa konseho. (TWH)
Back to top
San Pablo HNS
receives awards
The Diocesan Union of the Holy Name Society, Diocese of San Pablo,
was bestowed the “Outstanding Holy Name Society Union Award” by the national
directorate of the confraternity during its 25th national convention at
UST last April 25, 1998.
Fiscal Bert Doria, the diocesan union president, was himself bestowed
the “Outstanding Holy Name Man Award”, whereas the late Billy Caag was
posthumously given the “Manuel Colayco Award”. The San Pablo Cathedral
Unit, of which Teddy Alcantara is president, was given the “Outstanding
Holy Name Society Unit Award”.
Bishop Francisco C. San Diego and Msgr. Domingo G. Dolleton are
the spiritual directors, respectively, of the diocesan union and the cathedral
unit.
Back to top
|