The Online Publication of the Herald Group of Publications   Ipagdiwang natin ang Kalayaan   May 28 is Flag Day!   
Issue No. 20 May 13 -19, 1998
Previous Issue

News    Editorial    Opinion    Entertainment    Staff
Showbiz Update | Tsika Lang | Horoscope ni Madam Damin | Write Us




Showbiz Update
ni Aldrin L. Cacayan

Ang bago kay Mikee
MAAARING sabihing si Mikee Cojuangco na yata ang isa sa may pinakamagandang kapalaran sa dami ng ating mga artista sa kasalukuyan. Bukod kasi sa pagiging kilala niya sa alta-sosyedad bilang isang dalagang nagmula sa pinakamayamang angkan sa bansa, biniyayaan din siya ng magandang mukha at talento sa pagpasok sa industriya ng showbiz.
Kung maaalala n’yo pa, nang sabihin nilang ikukumpara ang taglay niyang galing sa pinsan niyang si Kris Aquino, di ba’t maraming nagsabi at maraming humusga na hindi kailanman siya maaaring ikumpara kay Kristeta.
Sa ngayon ay talagang very busy na naman si Mikee sa promotion ng kanyang pinakabagong pelikula sa ilalim ng Viva Films, na may pamagat na “Dahil Ba Sa Kanya?”, kung saan muli niyang makakatambal si Aga Muhlach.
Sa pelikula ring ito ay makakasama niya si Onemig Bondoc. Ang pelikula ay magbubukas sa mga sinehan ngayong Mayo 13, at hinuhulaang katakut-takot na dami na naman ng tao ang magtutungo sa paborito nilang mga sinehan para lamang muling mapanood sa big screen ang muling pagtatambal ng dalawang ito. Hindi nga ba’t pinilahan talaga nang husto ang pelikula nilang “Forever”?
Ang istorya ng pelikulang ito ay tungkol sa isang happy-go-lucky na stockbroker na si “Jed” na ginampanan ni Aga, na nagkagusto sa isang medical student na si Mitch(Mikee), at dito umikot ang istorya. Ang masalimuot na buhay pag-ibig nilang dalawa at ng pinsan ni Jed, na ginampanan naman ni Onemig Bondoc. Dito na yata sa pelikulang ito inilabas ni Onemig ang lahat ng kanyang dramatic talent, kaya’t dapat lang na talagang ito’y pakaabangan.
BACK TO TOP
TSIKA LANG
ni Amanda Sta Clara

Puwede bang makihati
WALA pa rin palang nakakaalam hanggang ngayon, kung ano ang lihim na itinatago ng mag-tiyong sina Doro Puzakalan at Jokai Maniwangtiwan.
Sa pag-aakala ng lahat ay maganda ang pagsasamahan ng mag-tiyuhing ito, ‘yun pala ay kamunitk na silang magpatayan dahil sa pag-agawan nila sa isang kalahi ni Adan. Alam n’yo ba ang istoryang ito? Sige, simulan na natin.
Si Doro Puzakalan ay isang kilalang dramatic actor, at kasama niya sa bahay si Jokai Maniwangtiwan na isa sa mga sumisikat nating young actor sa kasalukuyan, sa katunayan ay may regular siyang television program sa isang malaking istasyon.
Matagal nang artista si Doro, at marami-rami na rin namang awards ang kanyang natanggap nang dahil sa husay niya sa pagganap. Sa kanyang pamamalagi sa industriya ng pelikula ay maraming babae ang nababaliw sa kanya, pero ni isa man sa kanila ay walang na-link at napabalitang naging karelasyon niya. Kaya’t marami talaga ang nagtataka kung bakit ganito siya ka-private pagdating sa kanyang mga love affairs.
Hanggang sa pumasok sa eksena si Jokai, na pamangkin ni Doro. Pinasok din ni Jokai ang mundo ng pag-aartista, at gaya nang inaasahan ay kinagat din ng tao ang kanyang pangalan. Sa ngayon ay kinikilala siya bilang isa sa mga pinakasikat na teenage actor.
Pero ang hindi alam ng kanyang tiyong si Doro, may ibang kinahihiligan itong si Jokai, mahilig siya sa mga matitipunong kalalakihan. Na siya rin palang hilig ni Doro, na siyang naging kasagutan kung bakit pala walang nali-link sa kanya.
Nagkaroon ng BF si Jokai sa katauhan ni Robby. Isa rin si Robby sa pinakasikat na young stars natin sa kasalukuyan at may ka-loveteam siya na napasok sa isang malaking kontrobersiya. Pero ang istorya natin ay umikot kina Jokai at Robby, walang kaalam-alam si Jokai na pinasusubaybayan ni Doro ang bawat niyang kilos at lalo pa siyang nagduda dahil napapalimit ang pagtulog ni Robby kina Jokai.
At isang gabi, dumating si Robby kina Doro, pero wala doon si Jokai. So ang nangyari, hinintay niya ng ilang sandali si Jokai pero ‘yun pala ay may maitim na binabalak si Doro nang gabing iyon.
Lumabas si Doro, mula sa kuwarto na nakatapis lamang ng tuwalya habang nasa sala naman si Robby na nagbabasa. At dahan-dahang lumapit si Doro sa kanya na ang tanong, “Ano ba ang kailangan mo kay Jokai? Naririto naman ako!
Nagulat si Robby sa pangyayari at sa kabiglaanan ay dali-dali itong tumakbo palabas ng bahay nina Doro.
Nagsumbong si Robby kay Jokai at dali-dali itong umuwi upang sugurin ang tiyuhing noon ay naliligo na sa banyo.
Abangan ang susunod na mga pangyayari kina Robby, Jokai at Doro.
BACK TO TOP
Horoscope ni Madam Damin

ARIES (March 21- April 20)- Mag-ingat sa mga taong laging nagdidikta sa ‘yo, may masama silang binabalak na hindi mo namamamalayan. Tandaan na laging lingunin ang pinanggalingan.
TAURUS (April 21-May 20)-Malaki ang pag-asang makapunta ka sa ibang bansa. Ang anumang balakin tungkol sa paglalakbay ay dapat na ipagpatuloy. Huwag magpapaloko sa matatamis ang dila.
GEMINI (May 21-June 20)- Magaan ang dating ng pananalapi sa mga nalalapit na araw. Mabibili mo ang matagal nang minimithi. Iwasan ang pakikipagtalo.
CANCER (June 21-July 20)- Magkakaroon ng panauhin sa inyong tahanan na hindi inaaasahan, isang malaking pagbabago ang idudulot niot sa ‘yo. Huwag maging pabago-bago ang isip.
LEO (July 21-Aug.20)- Isang malaking desisyon ang gagawin mo ngayong linggong ito may magagalit sa ‘yong mahal sa buhay dahil dito. Isipin ang sarili bago ang iba.
VIRGO (Aug 21-Sept 22)- Walang magiging magandang bunga ang pakikipagmabutihan sa isang kaibigang kadarating lamang. Tapunan ng pansin ang higit na nangangailangan.
LIBRA (Sept 23- Oct 22)-Ang anumang bagay na may kaugnayan sa palakasan ay magdudulot sa ‘yo ng katanyagan. Pag-ingatan ang kalusugan.
SCORPIO (Oct 23- Nov 22)- Magiging magaan ang dating ng pananalapi sa ‘yo ngayong linggong ito. Ang anumang suliranin sa pag-ibig ay mabibigyan na ng kalutasan. Tandaang laging may pag-asa.
SAGITTARIUS (Nov 23- Dec 20)- Malaki ang magiging epekto ng pakikilalam ng iyong kapareha sa pakikisalamuha sa tao. Hindi magtatatagal at magiging problemado ka dahil dito. Huwag kalilimutan ang tumawag sa Nasa Itaas.
CAPRICORN (Dec 21-Jan 19)-Gawing kapaki-pakinabang ang araw mo sa pamamagitan ng pakikipagkilala sa nasa kapaligiran. Huwag ilagay ang sarili sa isang kahiya-hiyang sitwasyon. Maging matalino.
AQUARIUS (Jan 20- Feb 18)- Ang mga taong nagmamalasakit sa ‘yo ay nasa paligid mo lamang. Huwag maging masyadong malihim upang matulungan ka ng iba sa ‘yong mga suliranin.
PISCES (Feb 19- Mar 20)- Ang anumang desisyong gagawin ay tama, huwag mag-atubiling gawin ang nasa sa isipan. Sundin ang nararamdaman.
BACK TO TOP

The Wednesday Herald Online is the official website of the Herald Group of Publications. Published weekly and sponsored by the MSC Computer Training Center and MSC Communications Technologies, Inc., it covers the Southern Tagalog Area particularly the provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon (CALABARZON), and Metro Manila, PHILIPPINES.

For more information regarding this site, you may contact us through our E-mail (heraldgrp@msc.net.ph).