Walis Tingting


           Ang walis tingting ay ginagamit panglinis ng sahig na napakatanyag sa tahanan ng mga Pilipino. Ito ay makikita sa mga supermarkets at sa mga kalapit na tindahan. Gawa ito sa pinatuyong dahon ng niyog na pinagsama-sama.

           Sa San Pablo, ang mga walis tingting ay makikita kung saan-saan. Makikita ang mga tindero na pasan-pasan ang mga walis tingting upang ibenta at maaari ring matagpuan sa mga sulok-sulok na inilalako ang mga ito. Ang mga ito ay kapaki-pakinabang kahit na sa tingin ng iba ay patapon na ang mga ito. Ang presyo nito ay nagsisimula sa P15 hanggang P20. Sinasabing walang tahanan sa Pilipinas ang kumpleto kapag walang walis tingting.

Ilipat sa Bersyong Ingles
Panimula
Tungkol sa Amin
Aming Komunidad
Paglalahad ng Datos
Mga Larawan
Aklat ng Bisita
Talasanggunian
NAKARAAN SUSUNOD