Panimula


           Para maipakita ang pagpapahalaga ng mga taga-San Pablo sa puno ng buhay ay taun-taon ipinagdiriwang nila ang Coco Festival. Ito ay hindi lamang inaabangan ng mga tao sa San Pablo kundi maging ng mga turista sa loob at labas ng bansa. Hindi lang ito basta simpleng pagdiriwang kundi dito ay pinopromote ang niyog at ang mga produktong yari dito para makakuha ng mga taong mag-iinvest para mapalago lalo ang industriya nito. Ang pinakatampok sa selebrasyong ito ay ang Mardi Gras kung saan ang iba’t ibang mga paaralan simula elementarya, sekundarya, at kolehiyo ay kanya-kanyang pagalingan ng paghataw suot suot ang mga damit na dinisenyuhan at pinalamutian ng mga parte ng niyog. At kamakailan lamang ay nagkaroon ng Coco trade fair kung saan ang mga negosyanteng nakikinabang sa niyog ay pinapakita ang kanilang produkto.

           Isa sa mga produkto ng niyog na itinatampok sa lahat ay ang Virgin Coconut Oil na pinaniniwalaang makakapagpagaling ng maraming karamdaman. Iba ito sa langis sa Amerika dahil mas marami itong gamit. At kahit “virgin” ang tawag dito ay wala paring katunayan na ang niyog na pinagkunan ay “virgin” nga mismo.

Ilipat sa Bersyong Ingles
Tungkol sa Amin
Aming Komunidad
Paglalahad ng Datos
Produktong Niyog
Mga Larawan
Aklat ng Bisita
Talasanggunian
NAKARAAN