Iba pang Kakanin mula sa Niyog


           Ang mga iba’t-ibang pagkaing sinangkapan ng niyog ay talagang nakabibighani sa ating panlasa. Sikat, hindi lang dito sa ating bansa kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngunit sa mga panahong ito ay malabo na itong makita.

          Tulad ng pinagpasapasahang recipe ng lambanog. Isang uri ng alak na walang amoy ngunit malakas ang tama. Ginawa ito ng buong puso at pinaghirapan ng ating mga kababayan.

           At sa Bicol, ang sikat nilang laing. Gumagamit ito ng gata bilang isa sa mga pinakakailangang sangkap. Sa Timog Katagalugan, ang gata at langis ay idinadagdag hindi lang bilang pampasarap kundi para maging masustansya rin ang pagkain.

          Ang niyog ay ginagamit din sa paggawa ng panghimagas tulad ng macapuno balls, macaroons, buko pie, sinukmani, palitaw at iba pa. Marinig mo lang ang mga matunog na pangalang ito ay matatakam ka na.

Ilipat sa Bersyong Ingles
Panimula
Tungkol sa Amin
Aming Komunidad
Paglalahad ng Datos
Mga Larawan
Aklat ng Bisita
Talasanggunian
NAKARAAN